luksa
Friday, September 9th, 2005Sisimulan ko ngayong araw na ito ang paglimot sa nararamdaman sayo. Gagawin ko ito para sa iyo at sa akin na din. Sa iyo upang di na makaramdam na makonsyensya sa sakaling mapansin mong gusto na kita. At sa akin upang di na tuluyang masaktan pa.
May sakit na nararamdaman ang aking dibdib, sakit na ang sanhi ay ikaw. Ikaw na mabait, ikaw na malambing, ikaw na walang kibo, ikaw na laging may handang ngiti sa bawat at kahit anong aking sabihin. Ikaw na matyagang sumasagot sa mga sms ko gaano pa man kawalang kwenta ang mga ito. Ikaw na nakakainis dahil palaging magulo ang buhok mo, ikaw na lagi nakatiklop ang braso sa dibdib at nakapatong sa bilog mong tiyan. Ikaw na mukhang nahuhulog na ang loob sa babaeng noong una’y ibinibiro ko lang.
At higit sa lahat, ikaw na ang lahat lahat nang ito ang syang dahilan kung bakit nagluluksa ang puso ko.
