kung pwede lang sana….
For the longest time…sinabi na ito nang lahat ng taong nagbabago na, if he could turn back time, he would choose not to do drugs or kung babae, siguro naging mas careful pa siya kung di siguro nakatapos pa siya nang pag-aaral niya.
Pero ako, I honestly didn’t think there would be one thing na I’d change in my life. Feeling ko kasi lahat ng pinagdaanan ko though brought me tremendous pain or hardship, feeling ko lahat naman yon helped me to become a stronger person in facing what else that lies ahead. But it wasn’t until yesterday, that I was reminded of that one thing na I wish hindi na lang nangyari sa buhay ko.
It was the day I met Tani.
Kung hindi ko siguro siya kinaibigan, siguro ngayon mas masaya ako sa buhay ko. Kung hindi ko sana siya kinausap baka ngayon hindi ako nahihirapan. Mabait naman si Tani pero…ewan ko, hanggang ngayon hindi ko tiyak kung naging totoong kaibigan ko ba siya or sa tingin ko lang dahil sa kagustuhan kong magkaron ng “gwapong” kaibigan, hehehe Di maikakaila na magandang lalaki si Tani pero sa pagkakakilala ko sa kanya tila hanggang dun lang ang kagandahan niya.
Akala ko sapat na ang pitong taong “magkaibigan” kami, akala ko sapat na yon para pagkatiwalaan ko yung “friendship” that I thought we have. But it seems iba pala ang pananaw namin sa friendship namin. Very emotional akong tao, I’m not afraid to profess my love kung sigurado akong mahal ko na yung taong yon at alam yon ng mga kaibigan ko. Akala ko kasi sa tagal na magkaibigan kami, inakala ko na naiintindihan niya yon. Pero iba….
Nung magkaibigan pa kami halos umikot ang mundo ko sa kanya, siya lang kasi ang nagtyatyagang tawagan ako at kausapin ako pag kelangan ko ng kausap. Kaya nung araw na ayaw na niya akong maging kaibigan, para akong namatayan. For the first few months, feeling ko natanggalan ako ng isang paa…parang a part of me was taken away. Nagalit, nainis, naguluhan at lahat na ata na panget na pwede kong maramdaman. I felt betrayed.
Kahapon, after almost 4 years na hindi pag-uusap….nakita ko siya. Naglalakad sa mall, walang kasama. Hindi ko na siya kilala. Nung makita ko siya hindi pa ako sigurado kung siya nga yung nakikita ko. Ngayon, he’s just a face in the crowd. Hindi ko na siya kilala.